Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas
Isinulat ni Apolinario Mabini, ang pangunahing tagapayo ng pamahalaang rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo, ang maikling aklat na ito noong 1898 bilang panukala sa pagtatatag ng Repúblika ng Pilipinas. Inihaharap niya rito sa bayan at sa pamunuan ang isang balangkas kung paano dapat itayo at pamahalaan ang isang nagsasariling bansa, kasama ang tanyag na "Tunay na Sampung Utos ng Diyos" na nagsisilbing moral na pundasyon ng bagong republika. Hinihimok niyang ipalimbag at ipamahagi ang akda upang magkaroon ng liwanag ang mga kababayan tungkol sa pamamahala at kalayaan.
Umiikot ang aklat sa pagbabagong-loob ng bayan: na ang tunay na dangal ay wala sa dugo kundi sa mabuting asal, sa konsiyensiya, sa pag-aaral, at sa kasipagan. Mahalaga ito bilang isa sa mga pundasyong dokumentong pampulitika ng unang Republikang Pilipino, na naglalahad ng pangarap na kalayaang nakaugat sa katwiran, katarungan, at pagkakapantay-pantay.
How it begins
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] PANUKALA SA PAGKAKANA NANG REPÚBLIKA NANG PILIPINAS MEY PAHINTULOT ANG GOBIERNO. KAVITE Limbagan, sa kapamahalaan ni M.Z. Fajardo 1898. Sa M. Presidente nang Gobierno Revolucionario ó Pamunoang Tagapagbañgong puri , Si Apolinario Mabini, taglay ang puspos na galang, ay dumudulog po sa inyo at nagsasaysay : Sa pagka't di nalilin~gid sa kaniya na sa ganitong kapiitan nang bayan ay may katungkulan ang sino mang taga Pilipinas na umabuloy sa boong makakaya sa pagtatayo n~g lubhang malaking gawa n~g ating pagbabagong buhay, at natatanto din ang pagkakailan~gang magcaroon ang bayan n~g kamunti man lamang pagkaaninaw tungcol sa katatayoan at pagkabuhay n~g isang bayang nagsasarilí, upang macapamili n~g lalong maigui, ay sumulat n~g isang munting libro na ang Pamagát ay «PANUKALA SA PAGKAKANA NANG REPÚBLIKA NANG PILIPINAS» . Sa pagka't walang nakahihila sa kaniya kundi ang nakaisaisang han~gad na paquinaban~gan n~g kaniyang m~ga kababayan ang kamunti pa niyang lakas, ay namamanhik sa inyo na mangyaring ipalimbag at ipakalat ang nasabing libro at magpasin~gil sa kan~gino mang magcailan~gan nito n~g halagang maaabot n~g lahat na hanap-buhay, upang magamit yaon sa m~ga kailan~gan sa Pagbaban~gong puri (Revolución) gaano man ang halagá . In~gatan po kayo n~g Dios na mahabang panahon.
Text from Project Gutenberg, public domain.