BoltRead

Sa Ano Nabubuhay Ang Tao

by graf Leo Tolstoy

tl · ~40 min at 250 WPM

Isang dukhang magsasapatos na nagngangalang Semel ang nakatagpo ng isang hubad at gutom na estranghero sa tabi ng isang simbahan habang siya'y umuuwi mula sa di matagumpay na paniningil ng utang. Sa kabila ng kanyang pangamba at karalitaan, dinala niya ang lalaki sa kanyang tahanan, binihisan, at pinakain. Ang misteryosong panauhing ito, na si Mikael, ay naging mahusay na manggagawa ng sapatos at nanirahan kasama ng mag-anak. Sa paglipas ng panahon, tatlong ngiti ang lumalabas sa mukha ni Mikael—bawat isa'y palatandaan ng isang katotohanang unti-unti niyang natutuhan tungkol sa buhay ng tao.

Sa pamamagitan ng simpleng kuwentong ito, ipinapakita ni Tolstoy ang tatlong tanong: ano ang nasa loob ng tao, ano ang hindi ipinagkakaloob sa kanya, at sa ano nga ba nabubuhay ang tao. Ang sagot ay pawang pag-ibig—na hindi tayo nabubuhay sa pag-aalala sa sarili, kundi sa pagmamahal at pagdamay sa kapwa. Isang makapangyarihang aral ng pananampalataya, awa, at sangkatauhan.

Read this book

How it begins

Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Sila'y nakatira sa bahay ng isang mujik (may pagawaan ng sapatos), sapagka't sila'y walang bahay o lupa man at bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid-buhay. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba[1] na totoong luma na. May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal. Ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong rublo na kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang baba (asawa). Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek [3]. Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad. Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo , kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon. Sisingilin ko sa muhik ang limang rublo ,—aniya,—idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba . Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng muhik . Ang muhik ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng baba na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't walang ibinigay.

Text from Project Gutenberg, public domain.