BoltRead

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan

by José Rizal

tl · ~25 min at 250 WPM

Sulat na ipinadala ni José Rizal mula Europa noong 1889 bilang tugon sa dalawampung dalaga ng Malolos, Bulakan, na buong tapang na humingi sa mga awtoridad na payagan silang mag-aral ng wikang Espanyol sa kabila ng pagtutol ng paring kura. Pinupuri ni Rizal ang kanilang katapangan, at ginagamit niya ang pagkakataong ito upang turuan ang mga babaeng Tagalog kung paano dapat mag-isip, magpalaki ng anak, at maghubog ng kanilang sariling karangalan.

Itinampok ng liham ang halaga ng malayang pag-isip laban sa bulag na pagsunod, ang pagkakaiba ng tunay na kabanalan sa panlabas na ritwal, at ang gampanin ng ina sa pagpapalaya o pang-aalipin ng susunod na salinlahi. Mahalaga ang akdang ito dahil isa itong sulo ng kamalayang pambansa—isang panawagan para sa dangal, edukasyon, at pagkamulat ng kababaihang Pilipino na nananatiling makabuluhan hanggang ngayon.

Read this book

How it begins

Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal; ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua (tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo, magbuñga ma'y walang katas. Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat ako sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban sa isang Emilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang. Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay.

Text from Project Gutenberg, public domain.