BoltRead

Ang Mananayaw

by Rosauro Almario

tl · ~45 min at 250 WPM

Si Pati ay isang magandang dalagang mananayaw sa mga bahay-sayawan ng Maynila noong panahon ng Amerikano. Sa likod ng kanyang ganda at kasiglahan ay nakatago ang isang mapait na nakaraan—isang ulilang naghirap, naging pulubi, at sa huli ay napilitang ipagbili ang kanyang dangal nang tangkain siyang gahasain ng isang mayaman. Sa tulong ni Tamad, ang kanyang bugaw, naakit niya si Sawi, isang mahiyaing binatang taga-lalawigan na nag-aaral sa Maynila at mula sa angkan ng mayayaman, na umiibig sa kanya na akala'y isang busilak na dalaga.

Itinatanghal ng nobela ang pagkasadlak ng kabataan sa mga bisyo at pagkalugmok ng kababaihang itinulak ng kahirapan tungo sa buhay-aliwan. Sa pamamagitan ng kuwento ni Pati, isinusulong ng Aklatang Bayan ang pakikibaka laban sa masasamang ugali at hilig na sumisira sa kaluluwa ng lahing Tagalog, kaya't makabuluhang salamin ito ng lipunang Pilipino noong unang bahagi ng ika-20 siglo.

Read this book

How it begins

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] ANG MÁNANAYAW Ros. Almario UNANG PAGKALIMBAG MAYNILA LIMBAGAN NI JUAN FAJARDO Daang Carriedo Blg. 101, Sta. Cruz 1910. Talaan ng Nilalaman Aklatang Bayan. SIMULA. II. III. IV. WAKAS. Aklatang Bayan. Sa gitnâ n~g masinsíng úlap na sa kasalukuya'y bumábalot sa maynós na lan~git n~g Lahíng Tagalog, ang «Aklatang Bayan» ay lumabás . ¿Layon? Iisáng iisá: makipamuhay, ibig sabihi'y makilaban pagkâ't ang pakikipamuhay ay isáng ganáp na pakikitunggalí, isáng lubós at walâng humpáy na pakikibaka . At makikibaka kamí laban sa masasamâng hilig, m~ga ugali't paniwalà, magíng tungkól sa polítika, magíng sa relihión at gayón sa karaniwang pamumúhay; yamang ang m~ga bagay na itó'y siyáng m~ga haliging dapat kásaligan n~g alín mang bayan: tatlóng lakás na siyáng bumúbuó n~g káluluwá n~g alín mang lahì . At upáng malubós ang pagpapakilala n~g adhikâng itó sa aming man~gagiging, mangbabasa, kung sakalì, n~gayón pa'y malugód na't magalang na ipinatátalastás namin sa kanïlá ang m~ga aklát na sa kasalukuya'y niyáyarì sa loób n~g Aklatang itó : Ang Mánanabong, Ang Pangginggera, Bagong Hudas, Ang Sakim, Bagòng Parì at ibá't ibá pa. Pan~ganay na anák n~g Aklatang itó «Ang Mánanayaw», na n~gayó'y bagong kalúluwál pa lamang sa laran~gan n~g Panunulat.

Text from Project Gutenberg, public domain.