Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora, P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua
Itinatampok ng aklat na ito ang tunay na búhay ni P. Dr. José Burgos, kasama ang mga paring si Mariano Gómez at Jacinto Zamora, gayundin ang nadamay na si Miguel Zaldua. Sinusundan ng salaysay ang pinanggalingan ni Burgos sa Vigan, ang kaniyang pag-aaral sa Maynila, ang kaniyang katalinuhan at pagpili sa pagpapari, hanggang sa mga alitan laban sa mga prayle. Nagtatapos ang kuwento sa kanilang kamatayan sa bibitayan sa Bagumbayan noong 1872, dinaya umano ng mga prayle dahil sa inggit sa dunong at yaman ng mga Pilipino.
Hango sa tula at salaysay ni Honorio López, isang paghahandog ito ng alaala sa tatlong martir na hinangaan ng bayan. Tinatalakay nito ang katarungan, pagsinta sa tinubuang bayan, at ang pang-aapi ng mga prayleng nagkukunwaring marangal na ministro ng Diyos. Mahalaga ang aklat sapagkat itinatanim sa damdamin ng mga Pilipino ang pag-alaala sa GOMBURZA bilang unang larawan ng paghahangad ng kalayaan at kaginhawahan ng bayan.
How it begins
Sa cay P. Dr. José Burgós (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taón), P. Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na dinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abang ala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayó sa pooc nang Espaldon ó Bagumbayan nang icá 28 nang Febrero nang 1872. HONORIO LÓPEZ . P. Dr. JOSÉ BURGOS Sa man~ga nanasang liyag PASIMULA Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís. Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat. Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan. Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang «monumento» ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas. Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam. Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga «Martir» alalahaning tiquís, huag lilimutin laguing isa-isip alang-alang baga sa m~ga sinapit. Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal «n~g Dios na Poon», bago'y m~ga hunghang.
Text from Project Gutenberg, public domain.