BoltRead

Bulalakaw ng Pag-asa

by Ismael A. Amado

tl · ~130 min at 250 WPM

Ang "Bulalakaw ng Pag-asa" ni Ismael A. Amado ay hindi pangkaraniwang kuwento ng pag-iibigan ng dalawang puso, bagkus isang akdang naghahatid ng sugat at adhika ng bayan. Sa pahinang ito, sinusundan ang búhay na pakikibaka ng isang Pilipinong nagpupunyaging itayo ang isang matibay na Bayan sa panahong nangingibabaw ang lakas ng dayuhan kaysa sa katwiran. Nayari ito noong Agosto 1909, ngunit pinigil ang paglalathala dahil sa mahigpit na panahon ng pananakop; makaraan lamang ang mahigit siyam na taon, pagbalik ng may-akda mula Amerika, ito tuluyang nailimbag at inihandog sa mga mambabasa.

Sa kaibuturan, ito ay tungkol sa pag-asa—hindi sa pag-ibig na balot ng pagpapakunwari, kundi sa pangarap ng kalayaan at dangal ng Lahi. Mahalaga ang aklat bilang alaala sa panahong nangibabaw ang katwiran ng lakas, at patunay ng tapang ng panitikang Tagalog sa harap ng panganib. Layon nitong bumuo, hindi gumiba—isang siga na nagdiringas ngunit hindi tumutupok.

Read this book

How it begins

Kung sa pagtunghay mo ng mga akdang paris nitó ay wala kang ibáng nais kungdi libañgín ang iyóng kalulwa sa mga pangyayaring tinatawid ng dalawáng pusong nag-iibigan; dalhin ang panimdim sa silíd na pinaglalaguyuan ng mga kalulwang pinagtali ng pag-ibig; mabatíd ang mga hiwaga ng pagmamahalan ng magkasi na karaniwang ibinubuhay ng ating mga mañgañgatha; kung iyán lamang ang iyong hañgád, ay huwag ka nang magpatuloy ng pagbuklat sa mga dahon ng kathang itó, pagka’t pananaktan ka lamang ng ulo at maaaksayahan ng panahón: ang aklat na itó’y hindi makatutugon sa iyóng pita. Itó’y bulaklak na waláng bañgó, ñguni’t bulaklak. Itó’y parang lañgit na walang buwan ni tala, ni mga bítuing nakaaaliw sa naninimdim na puso; ñguni’t may araw na nakapapaso’t nakasusunog sa maninipis na balát. Datapuwa’t kung ang layon mo’y dumamá ng isáng sugat na dinamdam ng ating bayan; humanap ng isáng buháy na adhika upang pag-arala’t dilidilihin; mag-aral ng mga makabayang halimbawa upang ituro sa ibá alang-alang sa kapakanán ng ating Lahi; kung iyán ang iyóng pita ay buklatín mong isa-isa ang mga dahon ng kasaysayang itó, matiyaga mong tunghan ang kaniyang talata, pagka’t titibók ang iyong puso at mabubuhay na lalu’t lalo ang mga símulaing inaalagaan mo sa dibdib. Ito’y sigáng nagdiriñgas ñguni’t hindi nakatutupok. Ito’y súnog na naglalagablab; ñguni’t waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy.

Text from Project Gutenberg, public domain.