Cinematografo
Isang komedyang pantanghalan ang "Cinematografo," na umiikot sa buhay ni D. Tiburcio, isang matandang konserbatibo na suntok sa buwan ang galit sa mga bisyo ng panahon. Mula sa kaniyang tabureteng mesedora, dumadaing siya sa init, sa mabigat na buwis, sa lumalaganap na nakawan, at lalo na sa "cine" na aniya'y siyang pinagmumulan ng kasamaan—ang mga pelikulang istilong Nick Carter at Zigomar, ang mga eksena ng halikan. Iniuutos niya sa katulong na si Bruno na isara ang bahay tuwing ika-7:30 ng gabi, ngunit hindi mapipigil ng pinto ang akit ng bagong libangan sa kaniyang sambahayan.
Sa pamamagitan ng katatawanan, sinisilip ng dula ang sigalot sa pagitan ng luma at bago noong panahon ng Amerikano—ang takot na manghihimasok ang dayuhang kultura sa pananaw at moralidad ng Pilipino. Mahalaga ito bilang tala ng pagbabagong panlipunan at ng papel ng sining sa buhay ng bayan.
How it begins
Ang dulang ito ay itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg Gran Compania de Zarzuela Tagala ñg dramaturgong Severino Reyes, noong ika 1.o ñg Hunyo ñg 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri . UNANG KUWADRO. ¡¡SUKAT NA ANG CINE....!! BUGTONG NA YUGTO Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.—Dalawang bintana sa siping ng pintuan.—Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga nanonood.—Hapon. Pag-aañgat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan. Tagpo I. Si D. TIBURCIO lamang . D. Tib:— ¡Sussssssss....! Sa lahat ng̃ araw na isinasal ng̃ init, ay lumabis naman ang araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan ng̃ trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (Saglit na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala ng̃ isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako! (Hihinto) Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa mg̃a mang̃ang̃alakal na lamang! Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan na lamang ng̃ mg̃a taong mapuputi, dahil na ... munting kibot, ang mg̃a makapangyarihan ay nagtatakda ng̃ mg̃a kautusang.... halos ay makalunod na sa mg̃a mahihirap.
Text from Project Gutenberg, public domain.