Juan Masili o Ang pinuno ng tulisan
Tinatahak ng kuwento ang buhay ni Juan Masili, isang batang pinuno ng mga tulisan sa kabundukan ng lalawigang Morong. Sa simula ng salaysay, gabing-gabi siyang dumarating sa nayon upang iligtas ang dalagang minamahal na pilit ipinakakasal sa iba. Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw, inihahayag niya kung paano siya napilitang yumakap sa marahas na pamumuhay: mula sa dukha ngunit maligayang tahanan, winasak ng kalupitan ng mayayaman at makapangyarihan ang kaniyang pamilya. Mula roon, nagbanta siyang maghiganti at maging tagapagtanggol ng mga inaapi.
Tinatalakay ng nobela ang kawalang-katarungang panlipunan, ang agwat ng mahirap at mayaman, at ang pananagutan ng mga makapangyarihan sa kanilang kasamaan. Sa pamamagitan ni Juan Masili, ipinakita ni Patricio Mariano na ang isang "tulisan" ay maaaring bunga ng lipunang bulok, hindi likás na masama. Mahalaga ang akdang ito bilang sinaunang panitikang Tagalog na naglalantad sa karahasan at hustisya sa lente ng pag-ibig at paghihimagsik.
How it begins
Ang bayan n~g S. José at kanyáng m~ga nayon n~g lalawigang Morong ay balot katahimikan at ang kadiliman ay naghahari sa m~ga lansan~gan, kaparan~gan at m~ga bulu-bundukin. Waláng gumagambalà sa piping kapanglawan n~g gabing nangyari ang simulá n~g kasaysayang itó, liban sa tilaukan n~g m~ga manok na nagsasabing ang sandalíng iyon ay hating gabi. Walang anó anó, sa gitnâ n~g katahimikan ay nadin~gig ang yabag n~g isang kabayo sa may hulo n~g nayong Masantol na nalalayo sa bayan n~g may m~ga limang libong dipá. Ang takbong matulin n~g kabayo'y humina n~g nalalapit na sa nayon, at n~g natatanaw na ang unang bahay ay huminto at ang nakasakay ay lumunsad. Kung pagmamalasing mabuti ang anyo n~g naglalakbay na iyon sa hating gabi ay makikita, na, siya'y isang binatang lumabás pumasok sa dalawang pu't dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasan~gag sa init n~g araw ay nagpapahayag n~g isang kalamigang loob na may halong katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharáp; datapwa't ang kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang kaliwanagan n~g kaniyang noo na wari'y nagsasabing hindi naugali sa pagyuko, ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo n~g isang mambisa at pantalong kulay abó, salakót na may palamuting gintô at pilak, botas de montar, espuelas na pilak, isang balaraw , dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang rifle .
Text from Project Gutenberg, public domain.