BoltRead

Nang Bata Pa Kami

by Pura Medrano

tl · ~45 min at 250 WPM

Nagsisimula ang "Nang Bata Pa Kami" sa mga alaala ni Manuel hinggil sa kanyang pag-ibig kay Edeng, dalawang magkapitbahay na nagsimulang magmahalan noong sila'y musmos pa. Sa pamamagitan ng mga liham at gunita, binabalikan ni Manuel ang mga unang ngiti, ang lihim na titigan sa bintana, ang biglaang paglisan patungong lalawigan, at ang masasayang muling pagtatagpo sa liwanag ng buwan. Habang lumalaki ang dalawa, lumalalim din ang kanilang damdamin, ngunit hinahadlangan ito ng mga hamon ng buhay at ng mga lihim na nakakubli sa kalooban ng dalagang Pilipina.

Tinatalakay ng akda ang kalinisan at lalim ng unang pag-ibig, ang pananabik, paghihintay, at ang sakit ng paghihiwalay. Sa pagsusulat ni Pura Medrano, naipapakita ang isang pitak ng kaluluwa ng dalagang Pilipina—ang kanyang kahinhinan, katapatan, at tahimik na pagmamahal. Mahalaga ang aklat bilang bahagi ng panitikang Tagalog na nagtatampok ng damdamin at pagkataong Pilipino, isang taimtim na paglalarawan ng pag-ibig na umuusbong sa kamusmusan at nagpapatibay sa diwa ng ating bayan.

Read this book

How it begins

Ikaw ay nagkamali, oo, nagkamali kang lubha sa pagpili ng maglalagay ng pang-unang salita sa iyong mahalagang aklat. Ako pa naman ang napita mo, akong batid mong pahat na pahat tungkol sa gawaing ito at bago pa lamang nakikisalamuha sa larangang ng panulat. Kaya't nang sabihin mo sa aking ako ang ibig mong maglagay ng pang-unang salita, ay nasabi ko sa sariling: "¿Kinukutya kaya ako o binibiro lamang niya?" Kundi lamang kita nakikilalang isang tapat na kaibigan, uliran sa pakikisama, at ako'y nananalig na wala kang pusong sukat ipang-api sa akin ay pinatampuhan na sana kita, sapagka't ¿sino ako upang siyang magbigay ng pang-unang salita sa iyong aklat? ¿Anong ayos pa o ganda ang maidaragdag ko sa iyong katha? Wala. Nguni't ang gawi hilig, kilos at damdamin ng dalagang pilipina. Sa pagmamahal ni Edeng kay Manuel, pagmamahal na binalot ng isang lihim na pag-ibig ay minsan mo pang naipakilala ang isang pitak ng kaluluwa ng dalaga ng ating bayan. Sa wakas ay ibig kong masabi sa iyo na, sa pagkakalathala ng katha mong ito ay dalawang mahahalagang tagumpay ang iyong nakamit; tagumpay ng iyong sarili sa iyong pagka manunulat at tagumpay ng Aklatang Bayan sa pagka kasapi mo sa kanya. Bumabati at nakikikamay. ASUNCION PALMA. Pura L. Medrano I MGA ALA-ALA NI MANUEL KAY EDENG. —¿...? —!...! —¿Hindi mo na naaalaala?

Text from Project Gutenberg, public domain.