BoltRead

Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin

by Juan Serrano

tl · ~35 min at 250 WPM

Isang dasalan ang aklat na ito—ang siyam na araw na novena para kay San Agustín, ang dakilang Ama, Doctor, at Ilaw ng Santa Iglesia. Isinalin sa Tagalog ni P. Fr. Juan Serrano mula sa orihinal na Kastila at inilimbag noong 1887, inihahanda nito ang mananampalataya sa araw-araw na pagdarasal: isang panimulang panalangin sa harap ng Santísimang Trinidad, sinusundan ng natatanging dasal sa bawat isa sa siyam na araw, mga Ama Namin at Aba Ginoong María, at mga matuwaing dalit. May tagubilin din kung kailan simulan—tungo sa pista ng santo sa Agosto o sa pagbabalik-loob niya sa Mayo—at paggunita sa kanyang buhay at karunungan.

Tampok dito ang debosyong popular ng mga Pilipino at ang malalim na pagpipitagan kay San Agustín bilang huwaran ng pananampalataya, karunungan, at nag-aalab na pag-ibig sa Diyos. Mahalaga ang akda bilang saksi sa lumang estilo ng pagsulat ng Tagalog at sa mayamang tradisyon ng relihiyosong panitikan sa panahon ng Espanyol.

Read this book

How it begins

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] NOVENA SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG SANTA IGLESIA NA SI SAN AGUSTÍN DATI NANG LIMBAG SA UICANG CASTILA, AY TINAGALOG NANG P. PREDICADOR FR. JUAN SERRANO, SA ORDEN NITO RING MABUNYI AT MARILAG NA AMA GUADALUPE Pequeña imp. del Asilo de huérfanos. 1887 NOVENA SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG SANTA IGLESIA NA SI SAN AGUSTÍN . Sa Amang ualang pinagmulan, sa Anac niyang bugtong, sa Espíritu Santong mangaalio, iisang Dios at tatlong Personas. Sa camahal-mahalan at cataas-taasang misterio nang Trinidad na casantosanto-san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong Novenas nang mapantas na Doctor at Ama nang santa Iglesia na si san Agustíng na Ama cong liniliyag, sapagca cun sa Dios Ama inahihinguil ang capangyarihan, sa Anac ang carunun~gan at sa Espíritu Santo ang sinta; ang sinta, carunun~gan at capangyarihan, ay siyang sinag na ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa Iglesiang si san Agustín. Ang pinagcacaquilalanan nang calachan nang caniyang capangyariha,t, cabagsican, ay ang pagca inamin nang santa Iglesia ang lahat niyang aral tungcol sa gracia, tuloy siyang pinasasampalatayanan sa sangcacristianohan.

Text from Project Gutenberg, public domain.