BoltRead

Panayam ng Tatlong Binata — Unang Hati

by Cleto R. Ignacio

tl · ~35 min at 250 WPM

Bumubuo ng panayam si Cleto R. Ignacio sa anyong tula tungkol sa tatlong binatang sina Brillo, Electo at Brindo, na naglalahad ng mga kuwentong nagpapakita ng iba't ibang aral sa buhay at pag-ibig. Sa unang bahagi, isinalaysay ang kapalaran ni Honrado, isang dukhang binatang naglilingkod sa palasyo, na lihim na umiibig sa isang Prinsesa. Dahil sa hadlang ng kanilang pinagkaibhang uri, hinamon siya ng Prinsesa na maglakbay sa ibang kaharian upang humanap ng karangalan sa loob ng limang taon, sa pag-asang sa pagbabalik niya ay magiging karapat-dapat na siyang mapangasawa ito. Tinanggap ni Honrado ang hamon, nagpaalam sa kanyang ina, at sumakay sa isang daong bilang utusan.

Tampok sa akda ang temang pag-ibig na nahahadlangan ng pagkakaiba sa antas ng buhay, gayundin ang katapatan, sakripisyo at paghahangad ng dangal. Mahalagang bahagi ito ng panitikang Tagalog noong unang bahagi ng ika-20 siglo, isang halimbawa ng tradisyong pasalaysay na tula na nagtuturo ng kabutihan, tiyaga at pagpapahalaga sa marangal na gawa kahit sa harap ng kahirapan at pang-aapi.

Read this book

How it begins

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] PANAYAM NG TATLONG BINATA TINULA NI Cleto R. Ignacio CONCEPCION, MALABON, RIZAL BAHAY PALIMBAGAN ni P. SAYO BALO ni SORIANO MAYNILA TEL. 3099. UNANG PAGKAPALIMBAG 1921 Rosario 225 Binundok TINIG KASALUKUYAN O KUWENTO NG Tatlong Binatang SI Brillo, Electo at ni Brindo UNANG HATI Talaan ng Nilalaman PAUNAWA BRILLO KASAGUTAN ELECTO BRINDO ELECTO PAUNAWA Bagaman di ninyo gawi ang maglibang sa gawa nang isang walang wastong malay na gaya ko nangang hindi nasilayan ni munting banaag niyong karunungan . Paanhin mo'y laking tuwa na nang dibdib na handugan kita nang pamawing hapis utang kong dakila kundi ipagkait ang iyong hinahong manga paglilirip . Labis ang saganang pasasalamat ko kundi ka mayamot at pagtamanan mo na basahin yaring alay ko sa inyo ulirang usapan nang binatang tatlo . At mapagkukunan mo rin nang uliran kung hindi ka lubhang may pagkapihikan at di lahi niyong mahilig sa bagay na likuin kahi't matuwid na daan . Sabi ko'y tigila't ang pantas mong lining ang may kaya'y sukat pakatalastasin ang sirang talata'y gawin ang ibigi't ang tula'y huwag mo lamang na baguhin .

Text from Project Gutenberg, public domain.