BoltRead

Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati

by Cleto R. Ignacio

tl · ~40 min at 250 WPM

Sa ikalawang bahagi ng tula ni Cleto R. Ignacio na unang nalimbag noong 1921, ipinagpapatuloy ang panayam o palitan ng kuwento ng tatlong binatang sina Brillo, Electo at Brindo. Salitan silang nagsasalaysay sa anyong patula, at isa sa mga kuwento ay tungkol sa isang Haring lubhang mayaman na nagbawal sa kaniyang nasasakupan ng pagsusunong o pagpapasan ng pasanin. Sinubok niya ang isang dukhang mangangahoy sa pamamagitan ng dalawang balutan—isang puno ng gintong onza at isang keso. Dahil hindi nababatid ng mahirap ang tunay na halaga ng natanggap, ipinamigay niya ito sa bantay, at sa gayo'y napalampas ang biyayang maaaring nag-angat sana sa kaniyang buhay.

Mariin ang aral ng akda hinggil sa karunungan, kahirapan, at sa kakayahang makilala ang halaga ng pagkakataong dumarating sa buhay. Inilalarawan nito ang luma at masining na estilo ng pagtula sa Tagalog, kasama ang mga matatandang anyo ng pagsulat. Mahalaga ito bilang bahagi ng panitikang bayan na nagtuturo ng pagpapahalaga, sipag, at pagtanaw sa mga pagsubok ng kapalaran.

Read this book

How it begins

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] PANAYAM NG TATLONG BINATA TINULA NI Cleto R. Ignacio CONCEPCION, MALABON, RIZAL BAHAY PALIMBAGAN ni P. SAYO BALO ni SORIANO MAYNILA TEL. 3099. UNANG PAGKAPALIMBAG 1921 Rosario 225 Binundok TINIG KASALUKUYAN O KUWENTO NG Tatlong Binatang SI Brillo, Electo at ni Brindo IKALAWANG HATI Talaan ng Nilalaman BRILLO ELECTO BRINDO ELECTO BRILLO ELECTO BRINDO ELECTO BRILLO ELECTO BRINDO ELECTO BRILLO May isa n~gang Haring balita sa yaman na nakahahan~ga ang kaugalian sa sakop nang Korte niya'y ibinawal ang gawang magsunong ó magpasánpasán. Kaya n~ga't kaniya na ipinatawag ang tao sa Korteng man~ga mahihirap at ang bawa't isa'y binigyan nang pilak na sa hanap-buhay ay puhunang dapat. At itinadhana sa nasasakupan na ang lahing hudio ang utusan lamang yaon ang mahigpit niyang kautusan naglagay nang taning sa simulang araw. Sinomang sumuway doon sa tadhana may kakamtang dusa siyang ilinagda at siya ang lubos na nan~gan~gasiwa sa kanyang sakop na kinakalin~ga. Tunay na kanyang ikinagagalak na ang sakop niya ay mayamang lahat at sa lahing iba'y tan~ging matatanyag ang ugali niya na pinalalakad. Ang tanang kampon niya ay nan~gatutuwa sa dahilang sila'y mayayamang pawa ang salat na dati ay naging sagana at ang dating hamak ay naging dakila.

Text from Project Gutenberg, public domain.