Nasawing Pagasa
Isang makasaysayang nobelang Tagalog ang "Nasawing Pagasa" ni Angel De los Reyes, kabilang sa yamang panitikang Pilipino noong unang bahagi ng ikadalawampung dantaon. Sinasalaysay nito ang isang mapait na kuwento ng pag-ibig na napupuno ng pangarap, pananabik, at hindi natupad na hangarin. Sumusunod ang kuwento sa mga tauhang nabigo sa kanilang minimithing kaligayahan, kung saan ang dalisay na damdamin ay nasasalubong ng mga balakid ng kapalaran, ng lipunan, at ng kanilang sariling mga pagkakamali, hanggang ang inaasam na pag-asa ay unti-unting maglaho.
Sa kaibuturan, tinatalakay ng aklat ang pighati ng pag-ibig na sawi, ang bigat ng tadhana, at ang pakikibaka ng puso laban sa mga pwersang humahadlang dito. Mahalaga ang akdang ito bilang patunay ng yaman at lalim ng wikang Tagalog sa pagsasalaysay ng damdaming-tao. Nagsisilbi itong panawagan din sa mga mambabasang Pilipino na pahalagahan ang sariling panitikan at ang kaluluwa ng bayang nakapaloob sa wika.
How it begins
Anim na binibini ang nang̃akálupasay sa lilim nang isáng puno ng̃ manggá sa bayang Antipulo nang taóng nagdaan. Pawa siláng magágandá; pawa siláng mahíhinhín; ng̃uni't ang katakátaká, ang apat ay nakátawa at ang dalawá ay nakásimang̃ot. Sa lihim kong pagsísiyasat ay naunawa kong kaya palá gayón, ang apat ay nakápagdalá ng̃ mg̃a babasahing Tagalog at ang dalawá ay nakalimot. Walang pagáalinlang̃an na yaóng di nakápagbaon ay siyáng nakásimang̃ot, pagka't wala ng̃ masaráp na aliwan sa bayan ng̃ Antipulo na para ng̃ magbasá ng̃ aklát. Maligo, pagkatapos ay magduyan, bago magbasá ng̃ aklat: iyán ang buhay mayaman. Kaya kayóng maglíliwalíw sa Antipulo, nang huwág kayóng sumimang̃ot pagdatál doón, ay magbaon kayó ng̃ Pinatatawad kitá!, Ang Mananayaw, Mga Anák Bukid, ¡Duwág! Sa tabi ñg bañgin, ¡Tadhana!, Halina sa Lañgit!, ¡Sawíng Pagasa! , Larawan ñg Pagirog, Pañgarap ñg Buhay, ¡Walang Diyos!, ¡Higanti at Pagsisisi!, ¡Enchang!, ¡Kristong Magdaraya!, ¡Parusa ng̃ Diyós! ¡Imbing Kapalaran! Bahág-Hari, ¡Milagros! at Lihim na pagluha! Sa gayón, tang̃i sa maáalíw ninyó ang inyóng sarili ay makatútulong pa kayó sa masisikap na kawal ng̃ pagpápalaganap ng̃ wikang minana natin.
Text from Project Gutenberg, public domain.