Kartilyang Makabayan / Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa KKK
Si Andrés Bonifacio at ang Kataastaasan, Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ang pinakatampok sa munting aklat na ito ni Hermenegildo Cruz, na unang nalimbag noong 1922. Sa anyo ng mga tanong at sagot, sinasagot nito nang payak kung sino si Bonifacio—mula sa kanyang abang pagkasilang sa Tondo, kahirapan, at pagkaulila hanggang sa pagtatatag niya ng Katipunan—at inilalahad ang palatuntunan, mga aral, paraan ng pagsapi, at ang paglaganap ng samahan hanggang sa pagsiklab ng Himagsikan laban sa mga mananakop. Kasama rin dito ang Dekálogo ni Bonifacio at mga tala ukol sa kasaysayan ng bayan.
Sinulat ito ni Cruz nang mapansin niyang halos hindi kilala ng mga batang mag-aaral kung sino si Bonifacio, kaya layon niyang ituro sa kabataan ang dakilang kasaysayan ng lahing Pilipino. Umiikot ang aklat sa mga tema ng kalayaan, kasarinlan, pagkamakabayan, at pagtindig laban sa pang-aapi't pagbubusabos. Mahalaga ito bilang maagang pagtatangkang itanim sa puso ng mga Pilipino ang alaala at mga aral ng Katipunan, at gawing buhay na pamana ang diwa ni Bonifacio para sa susunod na salinlahi.
How it begins
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] KARTILYANG MAKABAYAN M~GA TANÓNG AT SAGOT UKOL KAY ANDRES BONIFACIO AT SA KATAASTAASAN, KAGALANGGALANG KATIPUNAN N~G M~GA ANAK N~G BAYAN na nagturo at nagakay sa Bayang Pilipino sa Paghihimagsik laban sa kapangyarihang dayo SINULAT NI HERMENEGILDO CRUZ ( Ikalawang Tagapamatnugot n~g Kawanihan n~g Paggawa ) MAYNILA, S.P. 1922 Ang unang pagpapalimbag n~ga KARTILYANG MAKABAYANG itó, sa kapahintulutan n~g sumulat, ay ipinagawa n~g "Lupong Tagaganap" n~g ARAW NI BONIFACIO, 1922, upang ang salaping mapagbibilhan ay igugol sa bantayog (monumento) na itatayo sa pook na pinan~ganakan kay Andrés Bonifacio. Ang bilang n~g saling ipinalimbag ay 5,000 at ang salaping kailan~gang likumin ukol sa nasabing pakay ay humigit kumulang sa P1,500.00. Maynila, 16 n~g Nobyembre, 1922. RAMON FERNANDEZ, Pan~gulo . FAUSTINO AGUILAR, Kalihim . GUILLERMO MASANGKAY, Taga-In~gatyaman . M~GA KAGAWAD: BIENVENIDO K. DOMINGO, 136 Tayuman, Tondo IGNACIO SOL CRUZ, 409 Calle Telio, Tondo PIO AREVALO, 1099 Antonio Rivera DOMINGO PONCE, 55 El Dorado, Quiapo ANDRES GOMEZ 127 Palomar, Tondo FAUSTO IGNACIO 2446 Oroquieta, Sta. Cruz VICENTE C. YUSON, 432 San Anton, Sampaloc Ang kartilyang ito'y matatagpuan sa m~ga tindahan n~g aklat at sa bahay n~g m~ga kagawad n~g lupong inilathala. Kung pakiyawan ay maaaring tumun~go sa bahay ni G.
Text from Project Gutenberg, public domain.