Dating Pilipinas
Ang "Dating Pilipinas" ni Sofronio G. Calderón ay isang aklat-kasaysayan na naglalahad ng nakaraan ng Kapuluang Pilipinas bago pa man dumating ang mga banyaga. Sinimulan ng may-akda ang salaysay sa mga "Itim" o "Ita" na itinuturing na kauna-unahang naninirahan sa lupaing ito, inilarawan ang kanilang anyo, damit, pamumuhay, pananampalataya, at ang iba't ibang pangkat na kumalat sa Bataan, Sambales, Luzon, at iba pang pulo. Hinango niya ang mga datos sa mga lumang aklat nina Chirino, Colin, Morga, Pigafetta, Rizal, at iba pa, upang maging gabay sa mga di pa nakababatid ng kasaysayan ng Lupang Tinubuan.
Ipinakikita ng aklat na ang nakaraan ang siyang salamin ng kasalukuyan at hinaharap, kaya't mahalagang ling̃unin ito. Itinatampok nito ang pinagmulan, kultura, at pagkakakilanlan ng mga unang Pilipino. Sa panahong halos nalilibing na sa limot ang ating pinagmulan, ang akdang ito ay paalaala na ang pagkilala sa nakaraan ang nagbibigay-buhay sa ating pagka-bansa.
How it begins
Ang aklat na ito ay pinagtiyagaan kong sinulat upáng magíng tulong ko kahi't kaunti sa mg̃a di pa nakababatid ng̃ dating kasaysayan niring Lupang Tinubuan na ng̃ayo'y halos nalilibing sa limot. Marahil ay di na isinasaloob ng̃ iba na ling̃unin pa ang nakaraan; ng̃uni't kung ating didilidilihin ay lubhang mahalaga, sapagka't ang nakaraan ang siya nating pinagbabakasan ng̃ ng̃ayon sampu ng̃ hinaharap, siyang bumubuhay ng̃ mg̃a bagay na nangyayari, siyang kumakandili ng̃ ating alaala sa ating mg̃a kanunuan na ating pinagkautang̃an ng̃ buhay at bala na, at sa madaling sabi ay siyang pinakasalamin ng̃ madlá sa pamumuhay, na dahil dito ay pinagsikapan ng̃ halos lahat ng̃ lupain ang pagsiyasat at pag-aaral ng̃ kanikanilang kasaysayan. Sa kasaysayang ito ay di ko muna inilakip ang sa mg̃a taong gubat at ang sa kamorohan, sapagka't ang una ay di pa lubhang kilala ang wika sampú nang boong paraa't ayos ng̃ pamumuhay, saka kapua may kahabaang salaysayin lalong lalo na ang sa kamorohan na may kilala't sariling kasaysayang naing̃atan; at dahil sa mg̃a dahilan ito ay minagaling kong unahin itong pinakamahalaga sa atin upáng huag lubhang humabà at tuloy makaya ng̃ lahat ang halaga, sapagka't kung papagsasabaysabayin ay mamabigatin ng̃ karamihan ang halaga sa kamahalan ng̃ayon ng̃ pagpapalimbag. Tuloy ipinauunawa ko na ang kasaysayang ito ay hinang̃o ko sa mg̃a aklat nina P. Chirino, P. Delgado, P. Colin, P. Placencia, Morga, Dr. P.
Text from Project Gutenberg, public domain.