BoltRead

Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)

by Honorio López

tl · ~65 min at 250 WPM

Ang "Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)" ni Don Honorio López ay isang taunang kalendaryo o almanake na higit pa sa pagtatala ng mga araw at petsa. Sa loob nito ay matatagpuan ang sari-saring karunungan: mga payo sa kalusugan at pananatiling bata, mga lihim na lunas sa karamdaman, mga aral sa pamamahay, pagsasaka, pangangalakal, at industriya, gayundin ang mga gabay sa pakikipag-ibig at mabuting kaugalian. May mga pitak pa para sa mga binata't dalaga, balita mula sa iba't ibang bansa, at mga tula. Tampok din ang mga paraan upang makilala ang ugali ng tao sa kanyang lakad at yapak.

Mahalaga ang aklat na ito bilang larawan ng pang-araw-araw na buhay at kaisipan ng mga Pilipino noong unang bahagi ng siglo bente. Pinagsasanib nito ang praktikal na karunungan, tradisyonal na paniniwala, at adhikaing makapagpabuti ng kabuhayan. Salamin ito ng diwang Pilipino—masipag, mapamahiin, ngunit laging naghahangad ng kaunlaran, kaalaman, at marangal na pamumuhay para sa sambayanan.

Read this book

How it begins

Paalala ng nagsalin: Ang calendariong ito ay hindi naisaayos sa orihinal na anyo dahil sa iba't ibang pagpapakita ng mga browser sa paitaas na sulat ng mga talâ. Ang orihinal at ang bagong anyo ay ipinapakita dito para maikumpara: Original Layout/Orihinal na Ayos Final Layout/Bagong Ayos DIMASALAG̃ KALENDARIOG̃ TAGALOG (DATI'Y LA SONRISA) NI Don Honorio López SA TAOG̃ 1920 BASAHIN NINYO ANG AKLAT NA GINTO ¿Ibig ninyong matutuhan ang kalihiman ng̃ magmukhang bata hanggang tumanda, lumakas at walang sakit? ¿Ibig ninyong malaman ang kalihiman ng̃ pagpapalubag loob, gayuma at makapanghila ng̃ ano mang nawawala o pangyayaring lihim sa ibang tao o sa ibang bayan? ¿Ibig ninyong makilala ang lihim at bagong paraan sa panggagamot ng̃ sakit na walang gamot na gagamitin? ¿Ibig ninyong matutuhan ang lihim na kayo'y kagiliwan ng̃ sino mang tao at kumita ng kapalaran o kayamanan sa inyong hanap buhay na taglay? Basahin ninyo ang AKLAT NA GINTO ni Honorio Lopez, tiglilimang piso ang halaga at naririto ang lahat ng̃ lihim ó sekretong karunung̃an dito sa mundo. Magpadala ng̃ sulat ng̃ayon din kay Honorio Lopez, daang Sande 1450, Tundo, Maynila at ipaloob sa sulat na ito ang isang limang pisong papel at pagkatanggap niya ipadadala sa, inyo ang aklat. Bagay na basahin ng̃ lahat lalo na ng̃ mg̃a matatanda, binata at dalaga.

Text from Project Gutenberg, public domain.