Dakilang Asal
Hinggil sa wastong pag-uugali at marangal na pakikipagkapwa ang "Dakilang Asal" ni Aurelio Tolentino. Sa pamamagitan ng maingat na pagtuturo, inilalahad ng aklat kung paano dapat kumilos, bumati, at magsalita ang isang Pilipino nang may dangal at pinong asal—mula sa tamang paraan ng paggalang, paggamit ng magagalang na pananalita, hanggang sa pakikitungo sa kapwa. Naglalaman din ito ng mga halimbawang liham para sa iba't ibang okasyon: pagbati sa bagong kasal, pakikiramay sa namatayan, pagdiriwang ng kaarawan, at pagtanggap sa bagong kapanganakan, na nagsisilbing gabay sa magalang na pakikipagtalastasan.
Itinatampok ng akda ang kahalagahan ng mabuting kaasalan bilang sukatan ng tunay na kabihasnan ng isang lahi. Higit pa sa panuntunan ng kagandahang-asal, isinusulong nito ang pagmamahal sa kapwa, paggalang sa nakatatanda, at karangalan ng lupang tinubuan. Mahalaga ang aklat na ito sapagkat ipinakikita nitong ang kabutihang-loob at pinong pakikitungo ay haligi ng isang marangal at mapayapang lipunang Pilipino.
How it begins
Hindi ang pagyukung pan~git na anaki ay natatakot ó nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok n~g baiwang, kaunting pagbaba n~g ulo at masayang mukha. [6] Ang salitang "KAMI" ay nagagamit n~g kahit, iisa't walang kasama, at siyang palaging kagamitan n~g m~ga maririkit managalog, gaya rin n~g salitang "SILA" na ginagamit at ipinapalit sa salitang "KAYO". Sa katunayan n~ga ay marikit pakingan ang PAALAM NA PU KÁMI SA KANILA" kay sa "PAALAM NA PU AKO SA INYO". Marikit pakingan ang " Magtuloy po SILA dine sa AMIN" Kay sa "Magtuloy pu KAYO dini sa AKIN". [7] Kung hindi pa nalalaman n~g pinagpapa-alaman ang pan~galan n~g nagpapa-alam, ay kailan~gan sabihin. [8] Mga Liham (LIHAM SA M~GA NAG-AASAWA). M~ga G. G. Miguel Bantog at Esther Dalisay. M~ga piling kaibigan. Tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso. Ninanais ku po n~g taimtim sa calooban na abuluyan sila n~g lan~git n~g saganang biaya. Na sa panunuyo. Feliza Ilawdagat Octubre 15-1906. (LIHAM SA M~GA LUMULUSOK) G. Jacob Pinkian. Piling katoto: Hinatdan kita n~g masayáng paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan. Ninanais kong ikaw ay dumakila sa íkadadan~gal nitong ating lupang tinubuan. Sumasa-iyo. Abdon Sinagaraw Octubre 15-1906 (LIHAM SA NAMAMATAYAN) G.
Text from Project Gutenberg, public domain.