BoltRead

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan)

by Pantaleón S. Lopez

tl · ~70 min at 250 WPM

Isang dulang-musikal (zarzuela) na pinagtagni sa kasaysayan ang akdang ito ni Pantaleón S. Lopez. Umiikot ang kuwento kay Ludovico, isang masipag na panday na nabuhos ang pawis at lakas sa pandayan, at sa kaniyang mapagmahal na asawang si Soledad. Pumasok sa kanilang tahanan ang panganib sa anyo ni Tío Agong—isang mayamang "apô-apô" na pinupuri ng marami ngunit, ayon kay Pedro, isa lamang lasenggo't hangal na nagpapaalipin sa mga kababayan. Sa likod ng pakitang-loob, hinahangad ni Agong na siraan ang puri ni Soledad at agawin siya sa tunay na nagpayaman sa kaniya.

Tinutuligsa ng dula ang mga huwad na pinuno't "apô-apô" na nabubuhay sa pang-aapi't kayabangan, at itinatampok ang dangal ng paggawa, ang tapat na pag-ibig, at ang katapangang harapin ang sukab. Mahalaga ito bilang salamin ng panlipunang puna at sining ng zarzuelang Tagalog—aliw na may aral hinggil sa katwiran at kalayaan.

Read this book

How it begins

Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauulól, at marunong gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilalá dahil sabago kapang nakakasama ¿gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito? Vico .—Dalawang taon lamang. Pedro .—¿Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati inunan niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo ng̃ isang tungkos na inútil at walang ini-isip kung di ululín ang mg̃a kaawa-awa, walang bigóng kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad niyang paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan. Vico .—Katoto: masalág ko ang iyong pang̃ung̃usap, si Tio Agong ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay walang mang̃ung̃utos, tuturan mong siya'y pang̃ulo ng̃ isang kapisanan. ¿Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan ng̃ ulol walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang ako'y kaniyang pagtaksilan. Pedro. —Ito'y sinabi ko lamang, huag mong lílimutin yaong wika: na ang mapagkatiwala madalas mapang̃anyaya iyong tatandaan aalis. Lalabas si Soledad Malungkot. ESCENA II. Soledad. —Guiliw kong asawa! bagaman,t, mahapdî, sa puso,t, panimdim ang isasangunî, pag iinutan ko, na maimungkahî sabahay naito'y huag mamalagui. Vico. —Ikaw'y asawa ko ano mang masapit ikaw lang ang tang̃ing sa dib-dib naguhit nag papagal ako kasi ko at ibig sa iyo ang dahil.... Soledad. —Dinguin mo ang sulit: Ibig kong sa bihin ng̃ayong ipamalay sa iyong kasamá ikaw,i, humiwalay. Vico.

Text from Project Gutenberg, public domain.